Comelec itinanggi ang ‘no-el’ ni Imee
MANILA, Philippines — Pinabulaanan ni Commission on Elections (Comelec) chairman George Erwin Garcia ang inilutang ni Sen. Imee Marcos hinggil sa posibilidad na magkaroon ng “no-election” scenario sa 2028 upang pahabain ang termino ng kanyang kapatid na si Pang. Ferdinand Marcos Jr..
“No-el 2028 will not happen. It’s a mandate of the Constitution to have an election in that year… no contingency for a ‘No-el’ because the election is certain to happen,” paliwanag ni Garcia.
Idinagdag din ng poll chief na sa ngayon ay sinisimulan na nila ang paghahanda para sa presidential election, kahit dalawang taon pa bago ang pagdaraos nito.
Pinag-aaralan na rin aniya nila kung paano io-automate ang halalan, gayundin ang muling pagdaraos ng voter registration at ang promulgasyon ng rules and guidelines.
Magugunita na inismiran ni Pang. Marcos ang ‘no-el scenario’ ng kapatid habang tinawag naman itong ‘diversionary tactic’ ng Palasyo ng Malakanyang.
- Latest


















