^

Police Metro

Tinedyer natusta sa sunog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Halos hindi na makilala ang sunog na katawan ng isang 14-anyos na binatilyo matapos hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay sa Upper Liloan, Santander, Cebu, nitong Linggo ng tanghali.

Sa ulat ng Cebu Bureau of Fire Protection (BFP), bago nangyari ang insidente, pasado alas-12:00 ng tanghali ay nagluluto ang biktima ng pananghalian nang big­lang umapoy ang kanilang kusina.

Mabilis na kumalat ang apoy sa bahay na gawa umano sa mahihinang uri ng materyales.

Nabatid na ang biktima ay nag-iisa sa kanilang bahay nang mangyari ang insidente dahilan ang 35-anyos nitong ina ay naglalaba sa may balon habang ang 39-anyos nitong­ ama ay abala sa pagtatrabaho sa konstruksiyon.

Rumesponde ang mga bumbero at makalipas ang halos isang oras ay naapula ang sunog at narekober ang halos nagmistulang uling na bangkay ng binatilyo.

 

 

FIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with