BI: Senator Bato, wala pang HDO

MANILA, Philippines — Walang inilabas na hold departure order (HDO) ang Department of Justice (DOJ) laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa at tanging ang Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) ang natanggap nila.
“Naka-lookout bulletin po siya. Wala pang other kinds of order na natatanggap ang ating ahensiya,” pahayag kahapon ni Bureau of Immigration (BI) spokesperson Dana Sandoval.
Ang HDO, ay iniisyu kung makikita na may flight risk at kailangang harapin ng akusado ang kaso.
Anya, maaaring magpalabas ng precautionary hold departure order kahit sa initial stages pa lang ng kaso kung may posibilidad na umalis ang akusado para umiwas sa kaso.
Sa kasalukuyan, walang rekord ng pagbiyahe si Dela Rosa sa alinmang international airports at seaports sa bansa.
“Hindi saklaw ng BI ‘yung bay areas. Ito ay binabantayan ng LGUs, PCG at pulisya,” dagdag ni Sandoval.
- Latest















