Lady trader pinagnakawan, pinatay
MANILA, Philippines — Patay na nang matagpuan sa loob ng kanyang bahay ang isang 58-anyos na ginang na isang negosyante, naganap kamakalawa sa Brgy. Pasong Camachile 1, Gen. Trias City, Cavite.
Kinilala ang nasawing ginang na si Santa, residente ng Brgy. Pasong Camachile ng lungsod na ito.
Base sa ulat, alas-6:45 ng umaga ng madiskubre ng kasama nito sa bahay ang biktima na duguang nakabulagta.
Bago ang insidente ay nagtungo pa ang biktima sa palengke at dakong alas-6:30 ng gabi nang ito ay makauwi.
Pagkalipas ng 15 minuto ay doon na nadiskubre ang duguang bangkay ng biktima na hinihinalang sinundan ito ng hindi pa kilalang mga suspek at pagpasok ng bahay saka isinagawa ang krimen.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, nawawala ang tatlong bag ng biktima na naglalaman ng pera at ang celphone nito. Tinangay din ng mga suspek ang CCTV system sa bahay ng biktima.
- Latest















