^

Police Metro

Senior citizen, dedo sa bugbog ng 6 kabataan

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 62-anyos na lolo ang idineklarang dead-on-arrival sa ospital matapos na pagtulungang bugbugin ng anim na kabataan sa Bongabon, Nueva Ecija nitong Huwebes ng gabi.

Sa ulat, ni Police Capt. Rod Mike Vertudes, hepe ng Bongabon Municipal Police Station, pauwi na ang biktima sa Barangay Kaingin sakay ng kanyang tricycle nang sundan siya ng mga suspek na pawang kanyang mga kapitbahay.

Pagdating sa tapat ng bahay ng biktima sa Purok 6, ay dito na siya pinagtulungang bugbugin ng grupo at habang nakahandusay na sa kalsada ang biktima ay paulit-ulit pa umano itong hinataw ng kahoy ng isa sa mga suspek.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay nagtamo ng matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan dahilan ng pagkamatay nito.

Sa maagap na pag­responde ng mga pulis sa tawag ng mga residente  ay agad namang naareto ang dalawa habang ang apat na suspek ay kusang loob na sumuko sa mga otoridad.

Nakapiit na sa Bonga­bon police detention cell ang mga suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong murder laban sa mga ito.

SENIOR CITIZEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with