PAF training aircraft grounded muna

Sa naganap na plane crash…
MANILA, Philippines — Matapos ang pagbagsak ng isang unit training aircraft ng Philippine Air Force (PAF) na ikinasawi ng dalawang piloto sa Tuba, Benguet kamakalawa ay pansamantalang grounded muna ang nalalabi pang SF-260.
Sinabi ni PAF Spokesperson Col. Ma. Christina Basco na pansamantalang grounded muna ang nalalabi pang 16 SF 260 training plane habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso.
Ayon kay Basco, kasalukuyang nagluluksa ang PAF sa pagkasawi nina instructor pilot 1st Lt. Ruth Angelique Pasos at aviation student 2nd Lt. Cherky Embudo na nasawi matapos na bumagsak ang SF 260 sa isinagawang navigation training flight.
Bandang alas-10:30 ng umaga nang bumagsak ang SF 260 training plane sa Poblacion, Tuba, Benguet na pinalilipad nina Pasos at Embudo habang patungo sa Baguio City.
Ang bumagsak na training aircraft ay bahagi ng 11 SF-260 trainer plane na umalis sa Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas para sa training mission nang mangyari ang insidente.
- Latest















