PAF Plane bumagsak: 2 piloto todas
MANILA, Philippines — Patay ang dalawang piloto ng Philippine Air Force (PAF) matapos bumagsak ang kanilang sinasakyang eroplano sa Mt. Sto. Tomas sa Sitio Cabuyao, Barangay Poblacion, Tuba, Benguet, kahapon ng umaga.
Kinilala ang isa sa mga nasawi na si 1LT Ruth Angelique R. Pasos. Habang hindi pa inilalabas ang pangalan ng kasamang lalaking piloto.
Sa ulat, alas-10:20 ng umaga nitong Miyerkules naganap ang pagbagsak ngunit naireport lamang ito bandang alas-11:40 ng umaga.
Ayon kay Lt. Col. Roy Calulot, tagapagsalita ng Benguet police, ang eroplano ay isang kulay abo, puti, at kulay kahel na eroplano ng PAF na may tail number na 10-39.
Natunton ng mga rumespondeng yunit ng pulisya, mga tauhan mula sa Bureau of Fire Protection, at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, kasama ang mga residente, ang pinangyarihan nang pagbagsak.
Natagpuang walang malay ang dalawang piloto at agad na nilapatan ng lunas bago dinala para sa medikal na paggamot na kung saan. Iniimbestigahan ang dahilan ng pagbagsak.
- Latest




















