Top-Performing Mayors, Solons sa NCR, inilabas

MANILA, Philippines — Base sa pinakahuling resulta ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ng kanilang “Index of Governance” (IOG), na kumikilala sa mga ‘Top-Performing Mayors at Representatives” sa National Capital Region batay sa pinagsamang ‘trust’ at ‘performance’ ratings.
Isinagawa ang survey mula Abril 1-8, 2026 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 3,500 randomly selected respondents at may margin of error na ?2%.
Ayon kay Dr.Paul Martinez, ang IOG ay isang komprehensibong governance assessment tool na sumusukat sa mga lider hindi lamang sa popularidad kundi pati sa governance delivery, responsiveness, public service effectiveness, at kumpiyansa ng mamamayan.
Nanguna sa NCR Mayor si QC Mayor Joy Belmonte-88.3%; Malabon Mayor Jeannie Sandoval-87.4%;Navotas Mayor John Rey Tiangco-86.5%;Valenzuela Mayor Wes Gatchalian-86.4%; Mayors Along Malapitan (Caloocan)-85.9%;Emi Calixto-Rubiano (Pasay)-85.7%;Vico Sotto (Pasig)-85.6%, at Isko Moreno (Manila)-85.1%.
Nanguna naman sa NCR District Representative ay sina Toby Tiangco (Navotas)-88.2%;Miro Quimbo (Marikina)-87.9%;at Ralph Tulfo (QC)-86.7%.;Brian Yamsuan (Parañaque)- 86.1%; PM Vargas (QC)- 85.8%;Oca Malapitan (Caloocan)-85.1%; Marivic Co-Pilar (QC)- 84.8%;Dean Asistio (Caloocan)-84.2%; Edward Galang (Valenzuela)-84.6; Benny Abante (Manila)-83.8%; Ernix Dionisio (Manila)-81.7%; at Giselle Maceda (Manila)-80.9%.
Binigyang-diin ni Martinez na mas nagiging mapanuri at performance-oriented na ngayon ang mga botante sa NCR sa paghusga sa mga opisyal ng gobyerno at hindi sapat ang popularidad lamang dahil mas pinipili na ngayon ng publiko ang mga lider na may kongkretong resulta, mahusay na serbisyo, at epektibong pamamahala.
- Latest















