^

Police Metro

Tanod, babaeng vendor todas sa pamamaril

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa utas ang isang barangay tanod at isang babaeng vendor matapos na pagbabarilin sa Brgy.Emmanuel Bergado 1, Dasmari?s City, Cavite, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang mga nasawing biktima na si Rody, 51-anyos, barangay tanod ng Brgy. Sta.Cruz 1; at 48-anyos na vendor na si Annalinda, residente ng Brgy. Emmanuel Bergado 1, Dasmari?s City.

Sa ulat ng pulisya, alas-8:43 ng umaga ay naglalakad ang tanod upang bumili ng pagkain nang sundan at pagbabarilin ng suspek na armado ng hindi pa natutukoy na kalibre ng armas.

Nadamay at nahagip naman ng mga ligaw na bala si Annalinda na nagtitinda sa lugar.

Nang masigurong napatay ng mga suspek ang tanod ay mabilis na tumakas dala ang ginamit na armas.

Ang dalawang biktima ay dinala sa pagamutan, subalit idineklarang dead-on-arrival.

Inilarawan ng mga nakasaksi sa pulisya ang suspek na may taas 5’2, payat ang pangangatawan, nakasuot ng kulay asul na long sleeve at itim na pantalon.

Patuloy ang isinasagawang dragnet operation ng pulisya, pangangalap ng CCTV footage sa lugar, pakikipag-ugnayan sa mga saksi at koordinasyon sa SOCO para sa masusing imbestigasyon at pagkakakilanlan ng mga suspek.

SHOOTOUT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with