^

Police Metro

4 tinedyer nahulog sa carnival ride

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na tinedyer ang nasugatan matapos na mahulog sa carnival ride habang nagse-selfie sa ginaganap na okasyon sa Bilar, Bohol kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Bohol Police, nangyari ang insidente, alas-10:30 ng gabi  habang lulan ang mga biktima ng “Spongebob ride”.

Lumalabas sa imbestigasyon, habang tumatakbo ang nasabinng ride ay nag­tayuan ang mga tinedyer na nagkukulitan sa pagse-­selfie. Nabatid na sa kabila ng babala na manatili lamang sa kanilang mga upuan ay nagtayuan pa ang mga ­tinedyer na nagpalipat-lipat ng posisyon para sa selfie ng mga ito na nagbunsod para sila ay  tumilapon.

Isinugod naman sa pagamutan ang mga tinedyer habang sinagot ng carnival ride operator ang gastusin ng mga ito sa ospital.

RIDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with