Sen. Bato tumakas sakay ng yate, chopper!

‘Tinulungan ng kilalang pulitiko’ - Tulfo
MANILA, Philippines — Isang kilalang pulitiko ang diumano’y tumulong sa pagtakas ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa para makalayo sa Metro Manila, ayon sa source ng beteranong kolumnista.
Ibinunyag ni Ramon “Mon” Tulfo sa kanyang Facebook post nitong Sabado, Mayo 3, na isinakay ng isang yate sina Dela Rosa at Senator Robin Padilla mula sa Manila Yacht Club.
“Isang tanyag na politician ang tumulong sa pagtakas ni Senator bato, ayon sa aking tweety bird. From the Senate, dumiretso sila ni Sen. Robin Padilla sa Manila Yacht Club kung saan sumakay sila sa yate ng nasabing politician na pumalaot patungong Batangas,” sa post ni Tulfo.
“Ang yate ay may pangalang “masarap na buhay” sa salitang English, ani tweety bird,” dagdag pa sa post ni Tulfo.
“Pagdating sa Batangas ay nag-chopper si “Batman” patungong Mindanao, pero ‘di na niya kasama si Robin, sabi ng tweet-tweet,” saad sa dulo ng post ng kolumnista.
Komento naman sa post ni Tulfo ng isang netizen: “M/Y Happy Life Owned by Luis Chavit Singson Sir as per tweety bird in Batangas.”
Hanggang sa kasalukuyan, wala pang opisyal na ulat kung nalaman na ang kinaroroonan ni Dela Rosa matapos iulat na huling nakitang kasama si Padilla.
Noong Miyerkules ng gabi (Mayo 13), naganap ang insidente ng putukan sa ikalawang palapag ng Senado, na may access door sa GSIS building, sa pagitan ng mga tauhan ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSAA) at National Bureau of Investigation (NBI) agents.
Pagsapit ng alas-2:30 ng madaling araw ng Huwebes, isinagawa ang paglabas ng Senado ni Padilla kasama si Dela Rosa.
- Latest















