^

Police Metro

Akusasyon ni Imee sa Palasyo, mapanganib — Makabayang grupo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinondena ng lider ng apat na Makabayang grupo ang umano’y akusasyon ni Senadora Imee Marcos nang sabihin nito na may direktang utos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inuugnay sa pagpapaaresto kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at shooting incident sa Senado nitong Miyerkules ng gabi.

Sinabi ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at ng Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY) na ang akusasyon ni Sen. Imee ay mas magpapalala sa takot at pagkawatakwatak ng mamamayan.

Ayon kay Goitia na hindi nagsimula sa putukan kundi nang gawing kanlungan ang Senado para sa mga gustong umiwas sa pananagutan sa halip na panatilihin ang institusyon na gumagalang sa batas.

Aniya, hindi puwedeng gawing proteksiyon ang Senado para sa isang taong umiiwas sa pananagutan at hindi dapat magtataka kapag lumala ang sitwasyon.

Sinaluduhan din nito ang mga mamamahayag na hindi iniwan ang coverage sa gitna ng magulo at tensiyonadong sitwasyon sa Senado dahil malaki ang tulong nila sa pagpapaunawa sa publiko na hindi kayang takpan ng kasinungali­ngan, naratibo, at propaganda ang tunay na insidente. -

IMEE MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with