Sen. Bato, lumutang sa Senado
MANILA, Philippines — Matapos ang ilang buwang pagliban ay sumulpot kahapon sa Senado si Senador si Senator Ronald “Bato” dela Rosa upang dumalo sa plenary session.
Subalit, bago ito makapasok sa Senado ay hinarang siya ng mga NBI agents at nakipaghabulan dahil sa balak siyang damputin.
Sinabi ni Dela Rosa na “ni-wrestling” siya ng NBI at nagkasugat-sugat, at kinuwestiyon niya ang kawalan umano ng respeto ng ahensya sa Senado.
Kaya’t hiniling nito sa Senate Sergeant at Arms na paalisin ang mga tauhan ng NBI na nag-aabang sa kanya sa Senado.
Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na pahayag ang NBI hinggil sa insidente.
Ang pagpapakita ni Dela Rosa ay ang kanyang unang pagdalo matapos ang anim na buwang pag-absent mula pa noong Nobyembre 11, 2025.
“Kung ako’y absent hinahanap ako ninyo, sumusuweldo, hindi nagpapakita.Ngayon nagpapakita ako dito… hinarang ako ng NBI, ni-wrestling ako doon, nagkasugat-sugat ako,” himutok ni Dela Rosa habang kinakausap ang media.
Batay sa attendance sheet ng Senado, nakaliban ang senador sa 31 plenary sessions bago ang kanyang pagbabalik kahapon.
“This is the Senate! Wala silang respeto sa institusyon ng Senado. Bakit ganoon ang NBI?” dagdag ng senador.
- Latest
















