Mga Duterte sa Kamara pwedeng sumali sa debate sa impeachment
MANILA, Philippines — Maaari umanong sumali ang mga Duterte, na miyembro ng Kamara sa debate kaugnay ng rekomendasyon ng House Committee on Justice na i-impeach si Vice President Sara Duterte na pagbotohan ngayong Lunes sa plenaryo.
Ayon sa chairperson ng komite na si Batangas Rep. Gerville Luistro, magkakaroon ng debate matapos ang kanyang sponsorship speech sa rekomendasyon ng komite na inaasahang mangyayari sa Lunes at malaya ang tatlong Kongresista mula sa pamilya Duterte sa pangunguna ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte; Davao City 2nd District Rep. Omar Vincent Duterte at PPP Partylist Rep. Harold Duterte na ipahayag ang kanilang argumento sa debate laban kay VP Duterte sa plenaryo.
Ayon kay Luistro, pro o anti-impeachment man ay bibigyan ng pantay na karapatan sa debate sa plenaryo at sasagutin ng Justice panel ang mga argumento ng mga Kongresista sa magkabilang panig.
Magugunita na sa pagdinig ng impeachment laban kay VP Sara ay wala ni isa sa mga Duterte sa Kamara ang nagtanggol dito na mas piniling sumagot at bumira gamit ang social media platform.
- Latest



















