Bulkang Mayon muling nagbuga ng abo

MANILA, Philippines — Hindi pa tuluyang nalilinis ang makapal na abo na tumapon sa mga bahay, kalsada at sa mga pananim ng ay muling nagbuga ng makapal na abo ang bulkang Mayon kahapon ng hapon.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na alas-2:28 ng hapon nang magkaroon muli ng lava flow collapse-fed pyroclastic density current sa southwestern slopes ng bulkan na sinundan ng minor strobolian activity, alas-4:21 ng hapon.
Nakitang muli ang makapal na abo na bumagsak sa kalapit na mga lugar sa mga bayan ng Camalig, Guinobatan at iba pang lugar.
Nagbabala si Albay Governor Noel Rosal na huwag pumasok at lumapit sa mga deklaradong danger? area maging sa Miisi-Binaan Channel sa bayan ng Daraga na dahil sa nakitang puno na ang ilang bahagi ng gully at malaki ang peligro na mag-overflow ang uson. Dahil sa nakitang banta ng pagragasa ng uson ay pinag-aaralan ng PDRRMC na palawigin ang danger area hanggang pitong kilometro sa bahagi ng Brgy. Miiisi.
Dahil naman sa papalapit na bagyong Hagupit/Caloy ay naghahanda na ang lalawigan sa posibleng paglikas dahil sa inaasa?ang pagragasa ng lahar at iba pang volcanic debris.
- Latest



















