7 Pinoy seafarers, sugatan sa Iranian drone attack

MANILA, Philippines — Pitong Pinoy seafarers ang nasugatan matapos tamaan ng isang Iranian drone attack sa Maltese-flagged container ship na CMA CGM San Antonio noong Martes.
Ito ang iniulat kahapon ni Department of Migrant Workers (DMW) Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac at nilalapatan na ng lunas sa pagamutan ang mga nasabing pinoy.
“All seafarers are okay.They are alive.They survived the attack,” ani Cacdac.
“Four of them have relatively minor injuries, while three are in more serious condition and are being closely monitored,” aniya pa.
Nabatid na naganap ang insidente habang dumaraan ang barko sa Strait of Hormuz.
Ayon kay Cacdac, ang barko ay unang iniulat na isang French ship, ngunit natukoy ng Pilipinas na isa itong Maltese-flagged container vessel.
Tiniyak naman ni Cacdac na masusi nang minu-monitor ng mga opisyal ng Philippine Embassy at ng labor attaché ang kondisyon ng mga tripulanteng Pinoy, at nakontak na ang mga ito sa pamamagitan ng hospital authorities.
- Latest


















