Leviste, 5 pa kinasuhan ng DOE
MANILA, Philippines — Naghain ng criminal complaint ang Department of Energy (DOE) sa Department of Justice (DOJ) laban kay 1st District Batangas Rep. Leandro Leviste at limang opisyal ng Solar Para sa Bayan Corporation Sa (SPSB/SPBC).
Bukod kay Leviste, kasama rin sa kinasuhan ni Energy Secretary Sharon Garin ang iba pang opisyal ng kompanya na sina Antonio Legarda Sr., Benjamin Legarda, Antonio Legarda Jr., Irma Flaminiano, at Hazel Iris Lafuente.
Batay sa reklamo, sinabi ng DOE na wala itong natanggap na anumang aplikasyon para sa permit upang sumunod sa mga kondisyong itinakda sa legislative franchise. Inaprubahan ng DOE ang mga proyektong imprastraktura kaugnay sa solar energy sa Occidental Mindoro.
Nauna nang sinabi ni Leviste sa ilang panayam na hindi na nag-o-operate at matagal nang isinara ang SPSB.
- Latest
















