^

Police Metro

SIDA Act pinaamyendahan sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa
SIDA Act pinaamyendahan sa Kamara
Sa ilalim ng House Bill No.9088 o Tunay na Ugnayan, Buhay, at Oportunidad sa Asukal (TUBO) Act of 2026, layunin nito na tugunan ang patuloy na pabago-bagong kalagayan sa produksyon, presyo at suplay ng asukal na iniuugnay ng mga stakeholder sa mga kakulangan ng regulasyon, patakaran sa pag-angkat, at pagpapatupad ng mga programa.
File

MANILA, Philippines — Upang simulan ang malawakang reporma para patatagin ang industriya ng asukal sa bansa ay pinaaamyendahan ni Negros Occidental 3rd District Representative Javier Miguel Benitez ang Republic Act No. 10659 o ang Sugarcane Industry Development Act of 2015 (SIDA).

Sa ilalim ng House Bill No.9088 o Tunay na Ugnayan, Buhay, at Oportunidad sa Asukal (TUBO) Act of 2026, layunin nito na tugunan ang patuloy na pabago-bagong kalagayan sa produksyon, presyo at suplay ng asukal na iniuugnay ng mga stakeholder sa mga kakulangan ng regulasyon, patakaran sa pag-angkat, at pagpapatupad ng mga programa.

Nakasaad sa panukala na palalawakin ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang kapangyarihan para i-regulate hindi lamang ang asukal kundi maging ang sugar substitutes tulad ng high-fructose corn syrup, iba pang caloric, at non-caloric sweeteners.

Layunin din ng panukala na punan ang mga kakulangan sa regulasyon na ayon sa industry groups ay nagdulot ng oversupply at market distortion dulot ng sobrang importasyon dahilan para magbunga ng downward pressure sa farmgate prices.

Ayon pa sa panukala na ang 18-month moratorium sa commercial sugar imports, alinsunod sa mga kaso ng supply shortage. Kasama sa panukala ang mga probisyon para sa mekanismo ng price support, emergency cash assistance para sa mga apektadong magsasaka, subsidiya para sa angkop na mga input sa sakahan, at pansamantalang loan relief program para sa mga small planters.

ASUKAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with