Ambush sa Rizal: Driver ng van todas!

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki na nagmamaneho ng isang van nang tambangan at pagbabarilin sa harap ng isang subdibisyon sa Rodriguez, Rizal, nitong Biyernes.
Sa ulat ng Rodriguez Police Municipal Station, kinilala ang nasawi sa alyas na “Chakie” na idineklarang dead-on-the-spot sa insidente.
Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-9:00 ng gabi ng Mayo 1 nang maganap ang pamamaril sa harapan ng Golden Leaf Subd., Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal.
Sinabi ng mga residente na nakarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril. Nang kanilang alamin, nakitang isang L300 van ang nakahinto sa gilid ng kalsada at kita ang mga butas ng mga bala sa mga bintana nito.
Nang rumesponde ang barangay captain, nadiskubreng maraming tama ng bala ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan na may umaagos pang dugo.
- Latest



















