^

Police Metro

Planta ng LPG ni-raid: 17 katao arestado!

Ludy Bermudo, Angie dela Cruz - Pang-masa
Planta ng LPG ni-raid: 17 katao arestado!
Kasama sa ginawang pagsalakay sa LPG refilling station ang kinatawan ng isang petroleum company na nagdekla­rang positibo na kabilang ang kanilang tangke sa mga nakumpiska ng mga awtoridad.
STAR / KJ Rosales, file

Sa illegal refilling at rebranding…

MANILA, Philippines — Nasa 17 katao ang inaresto ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isinagawang raid sa isang planta ng liquified petroleum gas (LPG) na illegal umanong nagsasagawa ng refilling at rebranding sa isang compound sa Caloocan City, nitong Sabado.

Kasama sa ginawang pagsalakay sa LPG refilling station ang kinatawan ng isang petroleum company na nagdekla­rang positibo na kabilang ang kanilang tangke sa mga nakumpiska ng mga awtoridad.

Sa inisyal na ulat, umaga ng Mayo 2, 2026 nang isilbi ang search warrant sa compound ng planta sa Sta. Quiteria Road, Caloocan City.

Pakay ng operasyon ang reklamong illegal refilling at rebranding—ang pagpipintura at pagpapalit ng pangalan at logo sa mga tangke na pag-aari ng ibang kumpanya ng LPG.

Kinumpiska ang iba’t-ibang equipment para sa rebranding at refilling, mga walang laman na LPG tanks, mga pintura, at isang tanker na pinaniniwalaang gamit sa delivery.

Ayon sa NCRPO, ang mga sangkot sa ilegal na gawain ay ipaghaharap ng reklamo sa Caloocan City Prosecutor’s Office sa paglabag sa Section 43 ng Republic Act 11592 (LPG Industry Regulation Act).

Paliwanag ng NCRPO, ang rebranding at refilling ng LPG tanks ay maaaring magdulot ng panganib sa mga buhay at ari-arian kung ang operasyon ay hindi dumaan sa tamang proseso o government standards. Graduating nursing student pinatay, sinunog! Karumal-dumal ang sinapit ng isang lalaki na hinihinalang siya ang nawawalang graduating nursing student matapos na paslangin ay sinunog pa ang bangkay nito sa isang subdibisyon sa Brgy. Ungka, Pavia, Iloilo, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Iloilo Police, natagpuan naman sa tabi ng sinunog na bangkay ang isang identification card (ID) ng nawawalang graduating nursing student na si Frank Rois Barbasa, isang taga-Capiz.

Ang sinunog na bangkay ay halos hindi na makilala matapos na magmistulang uling sa insidente habang kinumpirma ng pamilya ng biktima na ang national ID nito at mga gamit ang natagpuan sa tabi ng sunog na bangkay.

Base sa imbestigasyon, ang biktima ay umalis sa tahanan nang tiyakin nito sa La Paz ng lalawigan noong Abril 28 pero nabigo nang makabalik sa kanilang tahanan.

Matapos ito, kinabukasan ay isa namang residente sa lugar ang nakaki­ta sa sinusunog na kung anong bagay na mabaho umano sa tabi ng bakuran ng subdibisyon habang naglalakad ito sa kaniyang garden kaya agad nitong inireport ang insidente sa mga awtoridad.

Nagresponde ang mga pulis sa lugar at nadiskubreng tao ang sinunog sa tabi ng bakod ng subdibisyon.

Sa pahayag ni P/Captain Ritz Field Presquito, hepe ng Pavia Municipal Police Station (MPS), posibleng sa nasabi ring subdibisyon pinaslang ang biktima kung saan nitong Abril 30 ay natagpuan nila ang bahay ng dating girlfriend nito sa naturang subdibisyon pero tumangging magbigay ng pahayag sa mga awtoridad.  

LPG

NCPRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with