Hamon ni Teodoro sa China, suportado
MANILA, Philippines — Suportado ni Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng ABKD, PADER, LIPI, at FDNY si Secretary of National Defense Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. ang hamon sa China na patunayan sa tamang legal forum ang pag-aangkin sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Goitia na nakabatay sa ebidensya, at hindi ipinagtatanggol nang palihim na pinaninindigan nang may tapang, malinaw na direksyon, at matibay na kalooban ng isang bayang hindi papayag na ipagkait ang kanyang mga karapatan.
Sinabi ni Goitia na ang isyu ay hindi na malayong usapin kundi direktang nakaaapekto sa kabuhayan ng mga mangingisda, sa tungkulin ng mga sundalo at coast guard, at sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino na pinagkukunan ng pagkain, kabuhayan, simbolo ng soberanya ang West Philippine Sea.
Kinondena rin nito ang paglalabas ng babala ng Beijing laban sa Balikatan Exercises ng US, Japan, at Pilipinas.
Sa naging pahayag ng gobyerno, ang pakikipagtulungan sa mga kaalyado ay hindi provocation kundi lehitimong hakbang para patatagin ang kahandaan ng bansa sa pagtatanggol sa sarili na hindi usapin ng sigalot kundi ng dignidad.
Pinahahalagahan ng Pilipinas ang kapayapaan pero hindi tatanggap ng pang-aapi o panggigipit at hindi kailanman susuko ang paninindigan para sa bayan.
- Latest















