3 terorista utas sa air strike at ground operation
MANILA, Philippines — Patay ang tatlong pinaghihinalaang miyembro ng Dawlah Islamiyah (DI) terrorist group na sangkot sa ambush-slay sa limang pulis sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao del Sur noong nakalipas na buwan sa inilunsad na air at ground strike operations ng tropa ng militar sa nasabing lalawigan, kamakalawa.
Sinabi ni Lt. Col. Ronald Suscano, Spokesperson ng Army’s 6th Infantry Division (ID), nagsagawa ng “surgical operation” sa pinagkukutaan ng mga target na DI terrorists ang tropa ng mga sundalo sa Brgy.Tuayan, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur.
Ang operasyon ay matapos makatanggap ng ulat ang tropang gobyerno sa presensya ng mga armadong DI terrorist sa nasabing lugar.
Naglunsad ng “surgical operations” ang ground troops habang nagsagawa naman ng closed air support ang Philippine Air Force (PAF) laban sa mga DI terrorist na nagkukuta sa lugar.
Tatlo sa DI terrorist ang napatay habang nakatakas naman ang iba pa nilang mga kasamahan.
- Latest















