Digital TIN ID, available na sa eGovPH app

MANILA, Philippines — Maari nang ma-access ng mga taxpayer ang kanilang Digital TIN ID sa pamamagitan ng eGovPH App.
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, available ang digital ID para sa mga mayroong rehistradong Digital TIN ID sa Online Registration and Update System o ORUS, pati na rin sa mga may existing TIN na tugma ang detalye sa kanilang eGovPH App account.
Ito ayon kay Mendoza ay bahagi ng pagpapalawak ng digital services ng ahensiya upang gawing mas mabilis at mas maginhawa ang serbisyo publiko.
Samantala, ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ang bumuo ng eGovPH App na nagsisilbing iisang platform para sa iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan.
Gumagamit din ito ng secure na Know-Your-User (eKYC) system, kabilang ang facial recognition, upang matiyak ang kaligtasan ng impormasyon ng mga gumagamit.
- Latest
















