12 luxury car, ipapasubasta ng BOC
MANILA, Philippines — Sa susunod na linggo ay target ng Bureau of Customs (BOC) na maipasubasta sa halagang P352 milyon ang 12 luxury vehicles na isasalang nila sa public auction sa Port of Manila.
Inianunsiyo ng BOC na nagtakda sila ng isang sealed bidding sa Abril 28, ganap na alas-10:00 ng umaga, sa ikalawang palapag ng BOC building sa Port Area.
Magkakaroon din umano ng tatlong araw na public viewing para sa mga behikulo sa Abril 21 hanggang 24.
Kabilang sa mga sasakyang nakatakdang ipasubasta ay isang Toyota Alphard, isang Lexus LX570, isang BMW XM, isang Mercedes Benz AMG GT, isang Ferrari SF90 Stradale, isang Ferrari SF90 Stradale Mansory, isang Mercedes Benz G650 V12 Biturbo at isang McLaren Senna.
Isasalang din sa subasta ang dalawang Land Rover Range Rovers at dalawang Rolls Royce Phantom sedans.
Itinakda ng BOC ang floor price ng mga sasakyan sa P351,985,816.16.
- Latest
















