Kelot na nang-onse sa droga, itinumba
MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 22-anyos na lalaki nang pagbababarilin ng riding in tandem dahil sa umano’y onsehan ng droga sa Quezon City, nitong Huwebes ng gabi.
Sa report ng Quezon City Police District (QCPD), kinilala ang biktimang si alyas “Paul”, binata, jobless, residente ng Genoveva St., Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.
Sa ulat, bandang alas-6:30 ng gabi San Martin St., Villareal, Brgy. Gulod, Novaliches ay nakarinig ang saksing si alyas “Joel” ng sunud-sunod na putok ng baril na nagmumula sa kalapit na lugar.
Nang silipin ang labas, nakita niya ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo na agad na tumakas patungo sa Villareal St., habang ang biktima ay duguang nakahandusay sa semento,
Dumating sa pinangyarihan ang mga otoridad at nakita ang katawan ng biktima na tadtad ng bala ang mga katawan at isang maliit na heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
- Latest















