22,000 MT ng LPG darating sa Mayo

MANILA, Philippines — Nasa 22,000 metriko tonelada (MT) o 22 milyong kilo ng liquefied petroleum gas (LPG) na binili ng pamahalaan upang madagdagan ang buffer stock, sa gitna nang nagpapatuloy na krisis ng langis na dulot ng tensiyon sa Gitnang Silangan ang darating sa buwan ng Mayo.
Kinumpirma ni Energy Secretary Sharon Garin na ang naturang LPG ay inorder ng pamahalaan sa pamamagitan ng state-run Philippine National Oil Company (PNOC), nitong linggong ito dahil sa pagbaba ng LPG inventory ng bansa.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), ang suplay ng LPG ay tatagal na lamang ng hanggang 36 na araw; kumpara sa suplay ng diesel na tatagal pa ng hanggang 49 araw; 54 na araw naman ang itatagal ng gasolina at 105 araw para sa kerosina.
Inaasahan aniyang maidedeliber ang mga naturang kargo sa ikalawa o ikatlong linggo ng Mayo.
- Latest

















