Tandem na armado ng baril at granada, nasakote
MANILA, Philippines — Dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang inaresto matapos makitaan na may bitbit silang baril at rifle grenade sa isang Oplan Sita sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Tristhan”, 21, at alyas “Jared” 18, ay natuklasang sangkot sa mga serye ng snatching sa Pasay City.
Sa ulat, alas-5:00 ng madaling araw nang sitahin ang mga suspek kung bakit balaclava ang mga suot sa halip na helmet.
Subalit, sa halip na tumigil ay nagtangkang tumakas at bumunot ng baril ang angkas kaya dinamba ng isa sa operatiba dahilan upang sila ay hindi na makapalag.
Ang dalawa ay inaresto at nakumpiska ang isang hindi lisensyadong kalibre .38 revolver at rifle grenade mula sa bitbit na backpack.
Isinailalim na sa ballistic examination ang mga nakuhang armas sa mga suspek upang alamin kung bukod sa snatching ay may iba pang krimen silang kinasasangkutan.
- Latest















