^

Police Metro

Industriya ng itlog, apektado sa taas presyo ng petrolyo

Ludy Bermudo - Pang-masa
Industriya ng itlog, apektado sa taas presyo ng petrolyo
Store workers arrange trays of eggs at Blumentritt Market in Manila on September 29, 2023.
Ernie Penaredondo/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Dahil umano sa taas ng presyo ng petrolyo ay apektado na rin ang industriya ng itlog sa bansa kaya naman kung hindi ipinamimigay nang libre ay itinatapon na lamang ang dose-dosenang mga itlog, balut at penoy sa isang farm sa Candaba, Pampanga matapos hindi maibenta

Sinabi ng isang nagtitinda ng mga itlog, balut at penoy sa isang farm sa Barangay Paligui na wala nang humahango sa kanilang mga paninda.

Bukod dito, hindi na rin makapag-deliver ang mga nagtitinda nito dahil iniinda nila ang mataas na presyo ng diesel.

Ang iba namang itlog, balut at penoy, ipinamimigay na lamang ng farm para mapakinabangan.

Nangangamba rin ang mga empleyado ng farm na mawalan sila ng trabaho kung patuloy pa ang pagbagsak ng bentahan na mauuwi sa pagtigil ng operasyon.

Sa bagsakan ng itlog o egg dealer sa Blumentritt sa Maynila, reklamo din ang pagbagsak ng kanilang benta kahit mas mababa na ng P10.00-P20.00 ang bigay nilang presyo sa kada-tray.

Napansin nila na ang dating tatlong araw na nauubos ang kanilang stock ay umaabot na ngayon ng isa hanggang dalawang linggo.

Idinadaing naman ng mga humahango o retai­ler ng itlog na kaunti na lang ang kita nila matapos mahigit kalahati ang ibinagsak ng bentahan.

ITLOG

PETROLYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with