Krisis sa pagkain nakaamba – solon

MANILA, Philippines — Nagbabala si Tingog Partylist Rep. Jude Acidre na may mga indikasyon na nakaamba ang krisis sa pagkain sa bansa dulot ng mega oil price shock.
Ayon kay Acidre, dapat na agarang tugunan ng pamahalaan ang problema sa krisis sa langis upang hindi na ito lumala pa at masundan ng krisis sa pagkain.
“The ongoing fuel crisis is not just an energy concern. It is directly linked to food prices. This will inevitably drive food inflation and place an even heavier burden on Filipino families”, pahayag ni Acidre.
Sinabi ni Acidre na kapat tumaas ang presyo ng produktong petrolyo kasunod nito ay nagiging magastos din ang transportasyon maging ang mga inaaning gulay, prutas at iba pang uri ng pagkain sa farm.
Aniya ang presyo ng pagkain mula sa farm papunta sa mga hapag kainan ay magiging magastos kapag mahal ang oil products.
Binigyang diin ng kongresista na dapat protektahan ng pamahalaan ang supply chain na unahin ito sa prayoridad na makipagkoordinasyon sa logistics operators para ang pagkain ay tuluy-tuloy na maging episyente sa mga kapuluan sa kabila ng pagsirit ng presyo ng langis.Samantalang dapat din aniyang pabilisin ang pagbibigay ng subsidiya sa mga magsasaka at mangingisda.
- Latest




















