Cessna plane bumagsak sa Dinagat Islands

MANILA, Philippines — Natagpuan na ang bumagsak na Cessna aircraft sa Navarro, Tubajon, Dinagat Islands nitong hapon ng Abril 8.
Sa report ng Police Regional Office (PRO) 13, ang eroplano ay tuluyang nawasak sa insidente matapos itong sumabog at lumikha ng sunog sa crash site.
Sa imbestigasyon, bandang ala-1:00 ng hapon nang makarinig ang mga residente malapit sa lugar ng isang malakas na pagsabog matapos bumulusok ang Cessna plane na may numerong RP-C2444 sa nasabing lugar.
Sa isinagawang search and rescue operations ay narating ang crash site pasado alas-7:00 ng gabi.
Nabatid sa data ng FlightAware.com na ang nasabing aircraft ay umalis sa Subic Bay Freeport Zone, alas-9:04 ng umaga noong Miyerkules at na-track ito malapit sa Surigao City, alas-12:44 ng hapon o ilang minuto bago mawalan ng kontak hanggang sa bumagsak ang aircraft.
Nagsagawa ng aerial assessment, mapping search operations para sa paghahanap na piloto at mga sakay nito.
- Latest















