Backhoe operator nalibing nang buhay
MANILA, Philippines — Isang backhoe operator ang nalibing nang buhay matapos itong aksidenteng ma-trap at matabunan sa landslide sa excavation site ng isang farm sa Brgy. Silway 8, Polomolok, South Cotabato noong Martes.
Batay sa ulat, alas-9:00 ng umaga ay kasalukuyang naghuhukay ang biktima sa lugar gamit ang backhoe nang biglang matabunan ng lupa sa nasa 50 talampakang hukay.
Narinig pa ng caretaker sa farm ang malakas na dagundong at nang tingnan ay natabunan na ng lupa ang backhoe kasama ang biktima.
Nagawa namang mahukay ng rescue team ang katawan ng backhoe operator at maiahon sa lugar, alas-2:30 ng hapon pero idineklara na itong dead-on-arrival sa pagamutan.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) ang paglambot ng lupa at ang bigat ng punong kahoy malapit sa excavation site sa nasabing farm ang sanhi ng landslide.
- Latest



















