Pag-release ng mga bagong passport posibleng ma-delay - DFA
MANILA, Philippines — Inanunsyo kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na posibleng makaranas ng pagkaantala ang mga passport application na inihain simula huling linggo ng Marso 2026, dulot ito ng isyu sa logistics at supply chain na epekto ng krisis sa Middle East.
Dahil dito, posible umanong umabot ng 10 hanggang 15 working days ang release ng bagong passport mula sa petsa ng aplikasyon, hanggang sa karagdagang abiso mula sa ahensya.
Inihayag din ng departamento na nakikipagtulungan ito sa third-party service provider nito, na humahawak sa ePassport printing, upang malutas ang mga pagkaantala para maging normal ang operasyon sa lalong madaling panahon.
Nagbigay rin ang ahensya ng mga email address at contact number na makikita sa kanilang website.
- Latest















