^

Police Metro

Guro arestado sa drug buy-bust

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang guro sa public high school ang naaresto nang mahulihan ito ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Padoga, Calubian, Leyte nitong Lunes.

Kinilala ang nasakoteng suspect sa palayaw lamang nitong Arcy, 39-anyos, guro sa Felix Caneja National High School.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 8, nasakote ang suspect sa buy-bust operation matapos makatanggap ng impormasyon ang mga operatiba hinggil sa illegal nitong pagtutulak ng droga.

Bago ang operasyon ay isinailalim ng mga oto­ridad sa masusing surveillance operation at nang magpositibo ay nakipag-deal ang poseur buyer sa suspect na bibili ng droga at habang isinasagawa ang transakyon ay agad itong pinosasan at dinakip.

Nakumpiska sa suspect ang isang kulay itim na coin purse na naglalaman ng tatlong plastic sachet ng shabu, kulay pulang envelope na mayroong dalawang  katamtamamang laki ng plastic sachet na naglalaman naman ng marijuana.

PRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with