Manyakis na most wanted, nasakote
MANILA, Philippines — Isang 53-anyos na lalaki na sangkot sa tatlong kasong rape ang nasakote ng mga tauhan ng Southern Police District sa Parañaque City, nitong Martes ng madaling araw.
Ang suspek na sinilbihan ng warrant of arrest, ala-1:04 ng madaling araw ay kinilalang si alyas “Leonilo”, ng Carmen Village, Brgy. San Isidro, Parañaque.
Ang suspek ay may warrants of arrest na inisyu ni Parañaque Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Marie Grace Javier Ibay ng Branch 194, ng 3 counts ng rape by sexual assault, two counts ng statutory rape, at isang bilang ng acts of lasciviousness na pawang may kaugnayan sa Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).
Hindi makalalabas ng piitan ang akusado kahit may inilaang P180,000 sa bawat bilang na kasong rape by sexual assault at P200,000 sa acts of lasciviousness, dahil non-bailable ang statutory rape.
- Latest


















