^

Police Metro

Dalaga na nakipaghiwalay sa dyowa, inutas

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang dalaga nang siya ay ­ataduhin nang saksak ng dating ­dyowa nang magtagpo sa kalsada sa Brgy. Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na nasawi dahil sa tinamong mga saksak sa katawan ay kinilalang si alyas “Edna”, residente ng naturang lugar.

Habang ang suspek na naaresto sa follow-up operation ay kinilalang si alyas “Roel” at kinasuhan ng murder.

Sa ulat, pasado alas-5:00 ng hapon ay nakita ng suspek na noon ay lasing ang biktima sa tabi ng kalye at kinompronta ito tungkol sa naging desisyon nitong makipaghiwalay sa kanya.

Hindi sumagot ang biktima at sa galit ng suspek ay bumunot ito ng patalim at tinarakan ang biktima na duguang humandusay sa tabi ng kalye.

Mabilis isinugod sa pagamutan ang biktima, pero hindi na umabot nang buhay. Tumakas ang suspek at naaresto kinabukasan.

CAMARINES NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with