^

Police Metro

Fur pets, halaman kailangan may permit - PPA

Ludy Bermudo - Pang-masa
Fur pets, halaman kailangan may permit - PPA
Sa magkahiwalay na advisories, sina ng PPA na dapat ay kumuha ng kaukulang permit sa lokal na Bureau of Animal Industry - National Veterinary Quarantine Services office o magrehistro sa https://nvqsd.bai.gov.ph/#feature para sa pitong araw na shipping permit.
BusinessWorld / File

Sa mga biyahero sa pantalan

MANILA, Philippines —  Nagpaalala nitong Sabado ang Philippine Ports Authority (PPA) na kailangang may permit ang mga bibiyahe na may bitbit na halaman o fur pets sa barko.

Sa magkahiwalay na advisories, sina ng PPA na dapat ay kumuha ng kaukulang permit sa lokal na Bureau of Animal Industry - National Veterinary Quarantine Services office o magrehistro sa https://nvqsd.bai.gov.ph/#feature para sa pitong araw na shipping permit.

Bukod pa rito, kaila­ngan din na dala sa pagsakay sa barko ang ve­terinary health certificate na naglalaman ng vaccination history at validity ng bakuna.

Sa may bitbit na halaman, kailangang may shipping permit mula sa Bureau of Plant Industry (BPI) office https://npqsd.bpi-npqsd.com.ph/domestic/.

Ang BPI-National Plant Quarantine Services Division (NPQSD) ang mag-iisyu ng Clearance for Domestic Transport (CDT), dahil sa mga halaman na sakop ng regulasyon at limitasyon.

Kabilang dito ang nasa ilalim ng genus Musa, tulad ng saging at abaca na nililimitahan dahil sa posibleng may taglay na sakit. Dadaan sa pagsusuri ang halaman at maaaring isailalim sa phytosanitary measures.

Muling ipinaalala rin na ang pagdadala ng mapanganib na substances gaya ng flammable items, deadly weapons, at alak ay ipinagbabawal sa loob ng mga pantalan at daungan.

PPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with