^

Police Metro

P50 price cap sa imported rice, aprub ng NPCC

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Aprub ng National Price Coordinating Council (NPCC) ang pagpapatupad sa price cap sa imported na bigas.

Ayon sa DA, inindorso ng NPCC ang pagpapatupad ng P50 kada kilo na price ceiling sa imported na bigas, sa gitna ng ­inaasahan na ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dulot ng digmaan sa Gitnang Silangan ay maaaring magpataas ng gastos sa pagkain sa bansa.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ang pag-apruba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hinggil dito.

Ayon sa DA, saklaw ng panukalang price ceiling ang mga imported na bigas na may 5% broken grains at magiging epektibo sa loob ng P30 araw.

Sa pamamagitan ng paglilimita ng hakbang sa loob lamang ng 30 araw, ipinakita ng policyma­kers ang stop-gap match o paraan upang makabili ng oras habang mino-monitor ang magiging rehiyon ng merkado.

Sinabi pa ng DA na ang ang inisyatibo ay isang targeted intervention para mapigil o mapabagal ang pagtaas ng presyo ng pinaka-mahalagang pangunahing pagkain ng bansa, habang nagpapatuloy ang mas malawak na inflatio­nary pressures sa gitna ng lumalalang sigalot sa Middle East.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na magiging hindi makatwiran ang pagtaas ng presyo ng bigas lampas P50 kada kilo sa ngayon, dahil ang mga suplay na dumating sa bansa bago ang opensiba ng US at Israel laban sa Iran noong Pebrero 28 ay nabili sa mas mababang landed cost.

NPCC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with