^

Police Metro

Libreng sakay inilunsad ng Kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang libreng sakay program sa rutang San Jose del Monte welcome Rotonda Fairview Terraces ang inilunsad ng Kamara upang matulungan ang mga commuter na nahihir apang sumakay bunsod ng paglimita ng mga pampublikong sasakyan ng biyahe dahil sa mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Ang programa na tinawag na “Biyaheng Damayan: Libreng Sakay mula sa Kongreso” ay joint effort nina Speaker Faustino Dy III at House Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos.

“This is about making sure that government response is felt where it matters most in the daily lives of our people. Habang tumataas ang presyo ng langis at pamasahe dahil sa mga pangyayaring wala sa ating kontrol, tungkulin nating tiyakin na may agarang tulong para sa ating mga kababayan”, pahayag ni Marcos. Ang programa ay alinsunod sa malawak na istratehiya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mas malawak na istratehiya sa ekonomiya, pag-mobilisa ng lahat ng mga ahensiya ng gobyerno para mabawasan ang matinding epekto ng mega oil price hike sa domestic na ekonomiya.

Sa ilalim ng set up, apat na bus ng Kamara ang magsisilbi sa ruta ng Libreng Sakay mula Lunes, Huwebes at Biyernes mula umaga at maging sa hapon tuwing peak hours.

LIBRE SAKAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with