Ayuda sa PUVs, simula na sa Marso 24

MANILA, Philippines — Simula sa Martes (Marso 24) ay mamamahagi na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng cash relief assistance para sa iba pang tsuper ng mga pampublikong sasakyan.
Tinatayang nasa 34,000 TNVS drivers, 20,000 jeepney drivers, 83,000 delivery riders at 34,000 MC taxi riders sa National Capital Region (NCR) ang target na mabigyan ng ayuda
Nabatid na unang makakatanggap ng payout ang TNVS drivers sa Martes at susundan naman ng mga jeepney driver sa Miyerkules.
Ang delivery riders naman ay tatanggap ng ayuda sa Huwebes, Marso 26, at Biyernes, Marso 27.
Pinakahuli namang tatanggap ng ayuda ay mga motorcycle (MC) taxi riders sa Sabado, Marso 28.
Kaugnay nito, pinaplantsa na rin ng Department of Transportation (DOTr) ang pamamahagi ng ayuda sa mga taxi drivers.
- Latest















