^

Police Metro

2 transport group, tigil-pasada ngayong araw

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Titigil muna sa pasada ngayong araw ang dalawang transport group sa pangunguna ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) at Western Visayas Alliance of Transport Cooperatives and Corporations Inc. dahil sa hindi na umano kaya ng mga drayber at operators ng public utility vehicles (PUVs) ang mataas na presyo ng krudo.

Ipinahayag kahapon ni ACTO national president Libay de Luna upang iparamdam sa pamahalaan ang kanilang nararanasang hirap bunsod nang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Kabilang sa hiling ng grupo nila ay makatanggap ng fuel subsidy at assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Umapela rin sa pamahalaan ng tulong sa service contracts at humingi ng bank moratorium para sa transport cooperatives na nahihirapan sa pagbabayad ng kanilang modern jeepney units.

Habang ang Western Visayas Alliance of Transport Cooperatives and Corporations Inc. naman ay nakatakda ring magdaos ng transport holiday sa Iloilo City na lalahukan nang higit 1,000 traditional at modern jeepney drivers at operators.

Anang grupo, kinakailangan ang transport holiday upang maiwasang dumanas ng financial collapse ang kanilang organisasyon.

Sa kabilang dako ang grupong Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) at Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) ay hindi magtitigil pasada at sa halip ay makikipagpulong sila sa Department of Transportation (DOTr) at sa Land Transportation ­Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kasama ang iba pang transport groups, upang talakayin ng hiling nilang taas-pasahe.

ACTO

PUV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with