Malawakang welgang bayan, ikinasa sa Marso 27

Kung walang taas singil sa pasahe…
MANILA, Philippines — Isang malawakan at malakihang welgang bayan ang ikakasa sa Marso 27.
Ito ang naging banta ng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) kasama ang iba’t ibang grupo ng manggagawa sa bansa kung patuloy na iisnabin ng pamahalaan ang hiling nilang taas-pasahe na aabutin ng P5 na dagdag sa minimum na pasahe sa jeep at pagtanggal sa VAT at excise tax sa langis.
Ayon kay Ka Mody Floranda, presidente ng PISTON, pansamantala lamang na tulong ang fuel subsidy na naipagkakaloob ng pamahalaan sa mga driver ng pampasaherong sasakyan pero kung pagbibigyan ang kanilang mga kahilingan ay malayo na maghirap ang pamilya ng mga driver sa araw-araw.
Aniya, kasama sa gagawin nilang welgang bayan ang mga estudyante, magsasaka, manggagawa, at marami pang iba na nagmula sa iba’t ibang sektor ng lipunan para sabayang kalampagin ang pamahalaan sa anilay hindi na makatwirang pagtaas ng halaga ng peltrolyo.
Sinabi ni Floranda na hindi dapat pinigil ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatupad sa pagtaas ng pasahe dahilan sa ang fare hike ay isang mahusay na desisyon upang makabangon ang mga driver at operator ng mga pampasaherong sasakyan mula sa epekto ng lingguhang taas presyo ng petrolyo.
- Latest















