Bagong fare matrix sa LRT-2 inilabas na
MANILA, Philippines — Inilabas na ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang bagong fare matrix ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).
Kasunod ito nang anunsyong 50% discount ng Department of Transportation (DOTr) para pagaanin ang araw-araw na biyahe ng mga komyuter sa pamamagitan ng diskwento sa pamasahe.
Batay sa updated matrix ng LRT-2, nabatid na ang mga gumagamit ng stored value card ay magbabayad na lamang ng pasahe na mula P6.50 hanggang P16.50, depende sa layo ng kanilang biyahe.
Ang pasahe naman gamit ang single-journey ticket ay mula P8 hanggang P18, na may reduced rates na applicable sa lahat ng istasyon mula Recto Avenue Station sa Maynila hanggang Antipolo Station sa Rizal.
Sakop din ng discounted fares ang lahat ng istasyon sa LRT-2 line, kabilang na ang Cubao, Katipunan, at Santolan.
Una nang inianunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na simula sa Lunes ay magpapatupad sila 50% discount sa pasahe sa LRT-2 at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
- Latest















