Pamumuhay sa bansa, normal pa rin - Marcos

MANILA, Philippines — “Normal pa rin ang kalagayan ng bansa sa gitna ng patuloy na pagtaas sa presyo ng mga pangunahing presyo ng petrolyo sa bansa.”
Ito ang siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang pag-iinspeksyon sa bagong gawang silid-aralan at turn-over ng learning resources at DepEd Yakap at Kalinga na ginanap sa Mariveles, Bataan.
Umaasa si Pangulong Marcos na matatapos na ang giyera at habang may giyera pa ay normal pa rin ang buhay ng mga manggagawa.
Humahanap na rin aniya ng ibang paraan ang gobyerno para makapagbigay ng subsidiya upang makapagpabigay ng tulong na lubhang naapektuhan ng krisis sa langis para hindi mag-alala ang taumbayan.
Sa ngayon aniya ay napapanatili ng gobyerno ang supply ng langis at pagkain dahil mayroon pang stock.
- Latest

















