^

Police Metro

50% discount sa MRT-3 at LRT-2 epektibo sa Marso 23

Mer Layson - Pang-masa
50% discount sa MRT-3 at LRT-2 epektibo sa Marso 23
Commuters enter the Metro Rail Transit (MRT) Line 3 in Taft Avenue station.
The STAR / Jesse Bustos, File

MANILA, Philippines — Simula sa Lunes (Marso 23) ay magkakaloob ang Department of Transportation (DOTr) ng 50% discount ang lahat ng pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na pagaanin ang araw-araw na biyahe ng mga mananakay sa pamamagitan ng diskwento sa pamasahe, partikular na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis na lubos na nagpapahirap sa mga mamamayan.

Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, malaki ang maitutulong ng naturang diskwento sa pamasahe sa tren para makatipid ang mga pasahero.

Ipinaliwanag pa ni Lopez na malaki ang matitipid ng mga biyahero kung sasakay ng tren na may discount sa pamasahe, sa halip na magdala sila ng sasakyan at kumonsumo ng napakamahal na langis.

Tiniyak ng DOTr na epektibo pa rin ang 50% discount para sa white beep cards ng mga senior citizens, persons with di­sabilities (PWD), at mga estudyante.

Magagamit din ang blue beep cards ng mga regular na pasahero para sa automatic na 50% discount.

Para naman sa mga walang beep cards, maaa­ring bumili ng single journey tickets na naka-50% discount din.

Tiniyak din ng DOTr na kasalukuyan na silang nakikipag-usap sa pamunuan ng LRT-1 kaugnay ng pagbibigay ng parehong discounted na pamasahe sa kanilang train line dahil pinatatakbo ito ng pribadong kum­panyang Light Rail Manila Corporation (LRMC).

DISCOUNT

DOTR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with