^

Police Metro

Biktima ng mail-order bride naharang sa NAIA

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 21-anyos na Pinay na hinihinalang biktima ng mail-order bride scheme ang naharang ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa ulat ng BI, napigilan ang babae noong Marso 10 sa NAIA Terminal 3 bago pa siya makasakay ng flight ng Cebu Pacific patungong Guangzhou, China.

Sa interogasyon, iginiit ng babae na mag-aaral umano siya ng Chinese language at naka-enroll daw sa isang vocational engineering school sa Guangdong ngunit naghinala agad ang mga opisyal ang kakaibang kwento dahil hindi tugma ang kanyang mga dokumento at pahayag.

Sa bandang huli, ­umamin din ang biktima at wala itong enrollment at ang tunay niyang pakay ay isang kasalang inayos ng isang ahente sa hindi pa nakikilalang lalaki kung saan may pangakong P50,000 kapalit ng kasal.

“Lumalabas dito na ginagamit na ngayon ng mga trafficker ang pekeng pag-aaral sa abroad bilang panakip sa kanilang ilegal na gawain,” pahayag ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ang babae at ini-turnover sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa mas malalim pang imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

VICTIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with