^

Police Metro

Taas-pasahe ipinatigil ni Marcos

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Transportation (DOTr) na suspendihin ang pagpapatupad ng planong taas-pasahe upang maibsan ang pasanin ng mga commuter.

Sa isang video message, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi napapanahon ang magtaas ng pamasahe para sa mga mamamayan.

“Magandang araw po sa ating mga minamahal na kababayan. Alam niyo po paggising ko kaninang umaga nakita ko yung mga headline at ang pinag-uusapan ay yung naaprubahan na fare hike para sa ating mga nagpapasada. Sa aking palagay dahil nga eh may problema pa rin tayo dahil sa gyera sa Middle East ay sabi ko siguro hindi ito ang panahon para magtaas ng pamasahe para sa ating mga kababayan,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Kaya’t inutos ko sa Department of Transportation (DOTr) na suspendihin muna ang fare hike at i-defer muna natin yan. I-postponan muna natin ‘yan dahil eh nasa gitna ngayon tayo nitong ah sitwasyon na ito na kailangan ay patuloy ang ating pag-alalay sa ating mga ah commuter, sa lahat ng mga ating manggagawa kung estudyante lahat ng gumagamit ng ating transport system,” aniya pa rin.

Ang hakbang ni Marcos ay kasunod ng epekto sa mga pangunahing bilihin at serbisyo dulot ng pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa epekto ng tensyon sa pagitan ng US at Iran.

Tiniyak din ng Pangulo na mamadaliin ang suporta sa mga transport workers na apektado sa pagtaas ng presyo ng gasolina.

Inatasan na din ng Pangulo ang DOTr na simula na ang libreng sakay para mabawasan ang gastos ng mga commu­ters. Magpalatupad din ng diskuwento sa pamasahe sa MRT at LRT at magkakaroon ng diskuwento sa mga toll road.

Una nang sinabi ni LTFRB chairman Vigor Mendoza na epektibo sa araw ng Huwebes, Marso 19 tataas ng pasahe sa mga pampublikong sasakyan.

FARE HIKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with