Taas-pasahe sa PUVs, aprubado na ng LTFRB
MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilalim ng patnubay ni DOTr Secretary Giovanni Z. Lopez, ang mga petisyon ng transport groups para sa dagdag-pasahe, simula sa Marso 19.
Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Vigor D. Mendoza II na ang komputasyon para sa dagdag-pasahe ay dumaan sa masusing pag-aaral at deliberasyon, kalakip ang datos mula sa Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev).
Ang tradisyunal na jeepney ay may dagdag na P1 sa minimum fare (mula P13 naging P14) at P0.20 kada susunod na kilometro (mula P1.80 naging P2.00); modern jeepney ay may dagdag na P2 sa minimum fare (mula P15 naging P17) at P0.10 kada susunod na kilometro (mula P2.20 naging P2.30).
Ang airport taxi ay may dagdag na P40 sa flag-down rate (mula P75 naging P115). Walang pagbabago sa succeeding 300 meters at two-minute waiting time charge; TNVS ay may dagdag na P20 sa base fare; Sedan: P65 (mula P45); AUV ay P75 (mula P55); Hatchback:P55 (mula P35); Premium:P165 (mula P145) at walang dagdag sa per kilometer at per minute travel time. Ang Metro Manila at city buses na ordinary ay may dagdag P2 sa minimum fare (P13-P15) at P0.24 kada susunod na kilometro (P2.25-P2.49); Aircon ay may dagdag P3 sa minimum fare (P15-P18) at P0.33 kada susunod na kilometro (P2.65-P2.98); provincial buses ay may P1 dagdag sa unang limang kilometro.
Dagdag kada kilometro; ordinary ay P0.30 (P1.90-P2.20); Deluxe/Super Deluxe:P0.35 (P2.10-P2.45); Luxury: P0.45 (P2.90-P3.35).
Tuloy pa rin ang 20% diskwento para sa senior citizens, PWDs, at mga estudyante tuwing pasok sa eskwela.
- Latest
















