^

Police Metro

Hirit na itigil ang taas-singil sa toll, pasado sa Kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pasado na sa unang pagbasa sa Kamara ang House Resolution No. 882 na isinulong ni Surigao del Sur Rep. Romeo Momo Sr., na humihikayat sa Toll Regulatory Board na suspendihin o ihinto ang pagpapatupad ng taas-singil sa toll sa buong bansa.

Ayon kay Momo, dahil hindi pa tapos ang krisis sa Gitnang Silangan ay posibleng magpatuloy ang pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo na magreresulta rin sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Aniya, malaking tulong kung sususpindihin muna ang taas-singil sa toll hindi lamang para sa mga pampublikong sasakyan na namamasada at gumagamit ng mga expressway kundi maging sa iba pang mga motorista. Hinikayat ni Momo ang TRB na pag-aralan muna ang magiging epekto ng toll fee increase.

Malaking epekto aniya sa ekonomiya ng bansa ang toll fee increase lalo at karamihan sa mga suplay ng produkto ay galing sa mga probinsya at gumagamit ng toll gates sa pagbiyahe ng mga ito.

Si Momo rin ang may akda ng “New Building Act” at ng “Department of Water Act” na parehong nakalusot sa Kamara at nakabinbin ngayon sa Senado.

TOLL REGULATORY BOARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with