^

Police Metro

Security escort ni Yorme, todas sa tandem

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang retiradong pulis na umano ay security escort ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang nasawi nang barilin ng riding-in-tandem sa Tondo, Maynila kahapon ng mada­ling araw.

Ang biktima na nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center dahil sa mga tinamong tama ng bala ay kinilalang ‘Jorge Capistrano’, 56-anyos.

Inaalam pa naman ng mga pulis ang pagkaka­kilanlan ang gunman na nakasuot ng pulang sapatos, puting t-shirt at asul na helmet habang ang driver ng motorsiklo na isang Yamaha NMAX ay inilarawang nakasuot ng puting helmet at brown na jacket.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD), dakong alas-12:00 ng ha­tinggabi nang maganap ang krimen sa Salonga St., kanto ng Buendia St., Balut, Tondo, Barangay 134.

Lumalabas na posibleng holdap ang motibo ng krimen matapos na tangayin ng mga suspek ang kwintas ng biktima.

Sa kuha ng CCTV sa lugar, makikita ang biktima na lulan ng kanyang motorsiklo habang sinusundan ng mga suspek.

Nang abutan ay kaagad na inatake ng mga suspek ang biktima at saka ito binaril at tinangay ang suot na kwintas.  

ISKO MORENO DOMAGOSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with