^

Police Metro

Online selling sa Cebu pinadlock ng BIR

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinadlock ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang online selling operation sa Cebu dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis nang Hindi ideklara ang mahigit  P211 milyon na benta.

Ito ay kasunod ng isi­nagawang imbestigasyon ng Regional Investigation Division ng Revenue Region No. 13 – Central Visayas, sa ilalim ng pa­ngangasiwa ni Regional Director Douglas A. Rufino.

Ipinatupad ang closure order noong March 12 sa ilalim na rin ng BIR’s Oplan Kandado program.

Nag-ugat ang enforcement action sa magkasanib na imbestigasyon ng Bureau of Internal Re­venue (BIR) at National Bureau of Investigation-Central Visayas Regional Office (NBI-CEVRO) matapos makatanggap ang mga awtoridad ng confidential na impormasyon tungkol sa isang online seller na nag-aalok ng mga luxury goods sa pamamagitan ng Facebook Live at iba pang digital platforms nang hindi nag-iisyu ng opisyal na resibo at walang wastong rehistro sa BIR.

Base sa isinagawang surveillance at tax compliance verification ng BIR at NBI, natunton ang operasyon sa Jamestown at Mabini Street sa Mandaue City, pati na sa  Pahina Central sa Cebu City

Sa pagsusuri ng kanilang business records, lumalabas na nasa P211 milyon ang gross sales nito.

Dahil dito, sinabi ng BIR  na ang minimum na pananagutang buwis ay umaabot sa P40.4 ­milyon, kasama na ang mga surcharge at multa, alinsunod sa National Internal Revenue Code.

 

 

ONLINE SELLING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with